![cover image](https://wikiwandv2-19431.kxcdn.com/_next/image?url=https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/9/9c/Tayuman_Street.jpg/640px-Tayuman_Street.jpg&w=640&q=50)
Daang Palibot Blg. 2
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Daang Palibot Blg. 2 (Ingles: Circumferential Road 2, na itinakda bilang C-2) ay isang pinag-ugnay na mga daan na bumubuo sa ikalawang daang palibot ng Sistemang Daang Arteryal ng Kamaynilaan. Isa ito sa dalawang daang palibot na matatagpuan sa loob ng nasasakupan ng Lungsod ng Maynila, ang kabisera ng Pilipinas. Dumadaan ito sa mga distrito ng Tondo, Sampaloc, San Miguel/Santa Mesa, Paco, Ermita, at Malate.
Hilagang dulo: Daang Marcos sa Tondo Katimugang dulo: Bulebar Roxas sa Malate |
Binubuo ito ng Kalye Capulong, Kalye Tayuman, Abenida Lacson, at Abenida Quirino.