From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Lakas–Christian Muslim Democrats (literal sa Tagalog: Lakas–Mga Demokratang Kristiyano at Muslim), pinapaikli bilang Lakas–CMD at kilala din bilang Lakas lamang, ay isang partidong pampolitika sa Pilipinas. Tinuturing ang Lakas–CMD na nasa gitnang-kaliwa ng espektrong pampolitika at naiimpluwensiyahan ng demokrasyang Kristiyano at demokrasyang Islam. Simula noong halalang 2022, ang Lakas–CMD ay ang pinakamalaking partido sa Kamara de Representante, na ang pangulo ng partido, si Martin Romualdez, ang nagsisilbing Ispiker ng Kamara.[4] Dominanteng kasapi ang partido ng UniTeam Alliance (literal: Alyansang UniKoponan) na pinamumunuan ni Pangulong Bongbong Marcos.
Lakas–Christian Muslim Democrats | |
---|---|
Tagapangulo | Bong Revilla Jr. |
Pangulo | Martin Romualdez |
Kalihim-Panlahat | Jose Aquino II |
Nagtatag | Fidel Ramos Raul Manglapus |
President Emeritus | Gloria Macapagal Arroyo |
Itinatag | Disyembre 1991 (original form) 18 Hunyo 2008 (current form) |
Pagsasanib ng | Lakas–CMD and KAMPI |
Punong-tanggapan | 3/F, Universal Re Building, 106 Paseo de Roxas, Legazpi Village, Makati, 1229 Metro Manila |
Pangakabataang Bagwis | Lakas Youth |
Palakuruan | Christian democracy Islamic democracy Conservatism Filipino nationalism Federalism[1][2] Parliamentarianism |
Posisyong pampolitika | Centre-right[3] |
Kasapian pambansa | UniTeam (2021–present) Coalition for Change (2016–2021) |
Kasapaing pandaigdig | Centrist Democrat International |
Opisyal na kulay | Sky blue, gold, green, orange |
Seats in the Senate | 1 / 24
|
Seats in the House of Representatives | 89 / 316
|
Provincial governorships | 10 / 81
|
Provincial board members | 18 / 1,023
|
City and municipal mayorships | 68 / 1,634
|
City and municipal councilors | 514 / 16,812
|
Logo | |
Talaksan:Lakas CMD.svg | |
Website | |
lakascmd.com |
Isa sa miyembro ng Lakas–CMD, si Gloria Macapagal Arroyo, ang naging pangulo, na nakaluklok na sa puwesto nang nabuo ang partido noong 2009, at isang kasapi naman ang naging pangalawang pangulo, si Sara Duterte, na nahalal noong 2022.
Nagsanib noong 2009 ang orihinal na Lakas–CMD (na itinatag noong 1991) sa Kabalikat ng Malayang Pilipino (KAMPI), na binuo ang Lakas Kampi CMD. Bumalik sa orihinal na pangalan ang partido at nawala sa pangalan ang KAMPI. Nangyari ito pagkatapos kumalas ang maraming kasapi at binuo ang National Unity Party[5] (literal: Partido ng Pambansang Pagkakaisa).
Pagkatapos ng halalan ng 2010, nahati ang partido sa parehong bloke ng mayorya at minorya. Noong 2013, sinuporta ng Lakas ang karamihan ng mga kandidato ng koalisyong oposisyon na United Nationalist Alliance (Alyansa ng Nagkakaisang Nasyonalista), bagaman hati pa rin ang partido.[6][7] Pagkatapos ng halalan ng 2016, sumali ang partido sa mayorya na pinangungunahan ng PDP–Laban, ang partido ng nanalong kandidato sa pagkapangulo, si Rodrigo Duterte. Noong 2019, sumali ang partido sa alyansang Hugpong ng Pagbabago. Pagkatapos ng halalan ng 2022, nanalo ang kandidato ng Lakas sa pagkapangalawang pangulo ng bansa at pinalitan ang PDP–Laban bilang ang pinakamalaking partido sa Kongreso, na naging mayorya.[8]
Noong 2010, kumalas ang ilang mga kasapi ng Lakas-Kampi-CMD at itinatag ang National Unity Party (NUP) (Filipino: Partido ng Pambansang Pagkakaisa).
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.