Pagpapangkat ng mga tao batay sa ibinahaging mga katangiang pisikal o panlipunan sa mga kategorya na karaniwang tinitingnan bilang pagkakaiba ng lipunan From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang lahi, bilang isang likhang panlipunan, ay pangkat ng tao na nagtataglay ng magkatulad at natatanging pisikal na katangian. Unang ginamit ang lahi bilang pantawag sa mga taong nagsasalita ng iisang wika at upang itukoy ang bansang kanilang kinabibilangan. Noong ika-17 siglo ay sinimulan gamitin ang lahi upang ipantawag sa pisikal (i.e phenotypical) na katangian ng tao. Simula noong ika-19 na siglo ay mas madalas gamitin ang salitang lahi upang ipangalan sa populasyon ng taong ipinangkat sa henetikal na katangiang itinakda ng phenotype.
Nagbabago ang mga panlipunang paniniwala at pagpapangkat ng lahi sa pagtagal ng panahon, kabilang na ang taksonomiyang pambayan na naglalarawan sa mahahalagang uri ng indibiduwal batay sa mga katangian ipinakikita. Tinuturing ng mga siyentipiko na nakalipas na ang esensyalismong biyolohikal at sa pangkalahatan ay hindi inirerekomenda ang mga paliwanag na panlahi para sa sama-samang pagtukoy ng kaibahan sa parehong pisikal at pang-asal (behavioral) na katangian.
Kahit na mayroong malawak na kasunduang pang-agham na nagsasabing ang esensyalista at tipolohikal na paglalarawan ng lahi ay hindi tama, ang mga siyentipiko sa buong mundo ay nagpapatuloy na ilarawan ang lahi sa mas magkakaibang paraan, ang ilan ay may implikasyong esensiyal. Habang ang ilang mananaliksik ay kung minsa’y ginagamit ang konsepto ng lahi upang magpangkat mula sa mga malabong pangkat ng mga katangian, ang iba sa komunidad ng agham ay iminumungkahing ang ideya ng lahi ay ginagamit sa isang payak o simpleng paraan, at sinasabing sa pangkalahatan ng mga tao, ang lahi ay walang kahalagahang taksonomikal sa pamamagitan ng pagsabing lahat ng nabubuhay na tao ay nabibilang sa parehong espesye, Homo sapiens, at sub-espesye, Homo sapiens sapiens.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.