![cover image](https://wikiwandv2-19431.kxcdn.com/_next/image?url=https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/f/f3/Seal_of_the_United_States_Supreme_Court.svg/langtl-640px-Seal_of_the_United_States_Supreme_Court.svg.png&w=640&q=50)
Kataas-taasang Hukuman ng Estados Unidos
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Kataas-taasang Hukuman ng Estados Unidos ay ang pinakamataas na hukuman sa Estados Unidos. Ito ay may huli (at malaking diskresyonaryong) apeladong hurisdiksiyon sa lahat ng mga hukumang pederal ng Estados Unidos at sa mga kaso ng hukumang pang-estado na kinasasangkutan ng mga isyu ng batas pederal sa isang maliit na saklaw ng mga kaso.[1] Nagpupulong ang Hukuman sa Gusali ng Kataas-taasang Hukuman ng Estados Unidos sa Washington, D.C.
Kataas-taasang Hukuman ng Estados Unidos | |
---|---|
![]() | |
Itinatag | Marso 4, 1789 |
Bansa | Estados Unidos |
Lokasyon | Washington, D.C. |
Mga koordinado | 38°53′26″N 77°00′16″W |
Paraang komposisyon | Nominasyon ng Pangulo ng Estados Unidos na kinukumpirma ng Senado ng Estados Unidos |
Pinagmulan ng kapangyarihan | Saligang Batas ng Estados Unidos |
Tagal ng termino ng hukom | Habambuhay |
Bilang ng mga posisyon | 9, ayon sa batas |
Website | supremecourt.gov |
Currently | John Roberts |
Since | 29 Setyembre 2005 |
Binubuo ang Kataas-taasang Hukuman ng isang Punong Mahistrado at mga walong katulong na mahistrado na hinihirang ng Pangulo ng Estados Unidos at kinukumpirma ng Senado ng Estados Unidos. Kapag nahirang, habambuhay ang taning ng isang mahistrado maliban kung nagbitiw, nagretiro o inalis ito pagkatapos ng pagsasakdal (impeachment).[2][3]