Kim Sun-a
From Wikipedia, the free encyclopedia
Si Kim Sun-a (ipinanganak Oktubre 1, 1975) ay isang artista mula sa bansang Timog Korea. Kilala siya sa pagganap bilang ang pangunahing tauhan na si Kim Sam-soon sa popular na Koreanovelang My Name is Kim Sam Soon (2005). Ilan sa iba pang palabas na lumabas siya ang City Hall (2009), Scent of a Woman (2011) at Woman of Dignity (2017).
- Isa itong pangalang Koreano; ang apelyido ay Kim.
Agarang impormasyon Kapanganakan, Edukasyon ...
Kim Sun-a | |
---|---|
Kapanganakan | (1975-10-01) 1 Oktubre 1975 (edad 48) Daegu, TImog Korea |
Edukasyon | Ball State University - Medyor sa Piyano Kyung Hee University - Teatro at Pelikula |
Trabaho | Artista |
Aktibong taon | 1996–kasalukuyan |
Ahente |
|
Pangalang Koreano | |
Hangul | 김선아 |
Hanja | 金宣兒 |
Binagong Romanisasyon | Gim Seon-a |
McCune–Reischauer | Kim Sŏna |
Isara
Noong Oktubre 2015, pumirma ng ekslusibong kontrata si Kim sa ahensyang C-JeS Entertainment.[1] Noong Disyembre 2017, umalis si Kim sa C-JeS Entertainment at pumirma ng bagong kontrata sa ahensyang Good People Entertainment.[2]