Katalogo ng aklatan
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang katalogo ng aklatan, muwestraryong pang-aklatan, tarhetang katalogo o kard katalog ay isang listahan ng lahat ng nilalaman ng isang aklatan, na nakaayos gamit ang isang tarheta o kard para sa bawat isang bagay na makikita sa aklatan. Noong huli ng ika-20 siglo, ang mga pisikal na katalogo ng aklatan ay napalitan ng mga naka-computerize na bersyon. Mga iilang aklatan na lamang ay gumagamit na pisikal na katalogo ng aklatan: ito ay karaniwan sa mga maliliit at malalayong aklatan.