![cover image](https://wikiwandv2-19431.kxcdn.com/_next/image?url=https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/d/db/Matsue_castle01bs4592.jpg/640px-Matsue_castle01bs4592.jpg&w=640&q=50)
Kastilyo ng Matsue
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Kastilyo ng Matsue (松江城, Matsue-jō) ay isang kastilyong piyudal sa Matsue ng Prepektura ng Shimane, Hapon. Binansagan bilang "kastilyong itim" o "kastilyong talinting", isa ito sa mangilan-ngilang nananatili pang mga kastilyong midyibal (mula sa gitnang panahon) sa Hapon – na ilan sa mga nananatili pang nasa kanilang orihinal na anyong may kahoy, at hindi isang makabagong paggaya na yari sa kongkreto.
![Thumb image](http://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/d/db/Matsue_castle01bs4592.jpg/640px-Matsue_castle01bs4592.jpg)
![Thumb image](http://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/6/62/Matsue_Castle_Ninomaru.jpg/640px-Matsue_Castle_Ninomaru.jpg)
Nagsimula ang pagbubuo sa Kastilyong Matsue noong 1607 at natapos noong 1611, sa ilalim na lokal na panginoong Horio Yoshiharu. Noong 1638, naipasa ang kaharian at kastilyo sa angkang Matsudaira, isang mababang sanga ng naghaharing angkang Tokugawa.
Karamihan sa mga kastilyong Hapones ay nasira o nawasak dahil sa digmaan, mga lindol, o iba pang mga dahilan. Dahil sa kahoy ang malaking bahagi ng kanilang kayarian, isang pangunahing panganib ang apoy. Itinayo ang kastilyong Matsue makalipas ang huling dakilang digmaan ng Hapong piyudal, kaya hindi ito nakatanaw ng kahit na isang labanan. Ngunit iilan lamang sa mga pader at pangunahing tore (keep sa Ingles) ng kastilyo ang nananatili pa sa ngayon.