Kalistenika
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang kalistenika, kalistenya, o kalisteniks (Ingles: calisthenics, Kastila: calistenÃa) ay mga serye ng ehersiyo para sa katawan[1][2] na ginagamit para sa pagpapaunlad ng lakas, kapangyarihan, at balanse. Maaaring mga ritmikong ehersisyo itong paulit-ulit na ginagamitan ng bigat ng katawan, kaya o sistematiko o maparaang mga ehersisyo o pagsasanay upang makamit ang lakas at kayumian o kagandahan ng galaw. Inirirekomenda ito para sa pangkalahatang mabuting kalusugan at pangangatawan, sapagkat itinuturing na magagaang na mga ehersisyo. Nagmula ang kalistenika sa Griyego, ang kombinasyon ng mga salitang kagandahan at lakas.