From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang ganda[1] o kagandahan[1] (Ingles: beauty[1], charm) ay isang katangian ng isang tao, hayop, lokasyon o pook, bagay, o ideya na nagbibigay ng karanasan ng pananaw o hiwatig ng kaligayahan, kahulugan, o pagkapuno (satispaksiyon). Pinag-aaralan ang kagandahan bilang bahagi ng estetika, sosyolohiya, sikolohiyang panlipunan, at kalinangan. Bilang isang nilikhang pangkultura, labis na naging komersyalisado ang kagandahan. Isang katauhan o katawan ang "huwarang kagandahan" o "kagandahang ideyal" na hinahangaan, o nag-aangkin ng mga katangiang malawakan ibinubunton sa diwa ng kagandahan sa isang partikular na kultura, para sa perpeksiyon.
Kalimitang kinasasangkutan ang pagkaranas ng "kagandahan" ng pagkakaunawa ng ilang mga entidad bilang nasa loob ng balanse at harmoniya ng kalikasan, na maaaring humantong sa mga damdamin ng pagkaakit at mabuting kapakanang pangdamdamin. Dahil sa isa itong karanasang nasa isip, personal, o pangsarili, malimit na sinsabing "ang kagandahan ay nasa mata ng tumitingin."[2][3] Sa diwa nitong pinakamarubdob, maaaring magbunga ang kagandahan ng isang kapuna-punang karanasan ng positibong maingat na paglilimi hinggil sa kahulugan ng pansariling pag-iral. Ang paksa ng kagandahan ay anumang bagay na nag-aalingawngaw ng kahulugang pansarili.
Kasingkahulugan ang salitang kagandahan ng maganda, kariktan[1], dilag, karilagan, bighani, alindog[1]; maaari ring katumbas ng inam, igi, kaigihan, bentahe, kalamangan, at aya.[4] Partikular na nangangahulugan ang alindog ng matinding kagandahan o napakaganda, na katumbas din ng mga salitang dikit[1] at dingal. Katumbas ng maalindog ang pagiging kaakit-akit.[5] Bukod sa kagandahan, maaari ring tumukoy ang alindog sa karinyo[5], lambing[5], kalinga[5], bait[5], o kaya sa papuring paimbabaw o tuya.[1]
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.