Joiakim
Ikalabing walong Hari ng Juda / From Wikipedia, the free encyclopedia
Si Jehoiakim o sa ilang salin ng Tagalog ay Joacim (yehoyaqim, "itatatag ni Yahweh) ay hari ng Kaharian ng Juda at anak ni Josiah(1 Kronika 3:15). Ang kanyang orihinal na pangalan ay Eliakim (`elyaqim, "itatatag ni El (diyos)"). Siya ang kapatid ni Jehoahaz na kahalili sa trono na pinatapon ni Paraon Necho II 2 Hari 23:34. Si Necho II ay tinalo ng hari Babilonya na si Nabucodonosor II sa Labanan ng Karkemish (Aklat ni Jeremias 46:2). Ayon sa Aklat ni Daniel 1:1, sa panhon ni Jehoikim nang kubkubin ni Nabucodonosor II ang Herusalem. Ayon naman sa 2 Hari 24:8-10, sa panahon ni Jehoiachin nang kubkubin ni Nabucodonosor II ang Herusalem. Ayon sa 2 Hari 24:1, si Jehoikim ay naging basalyo ni Nabucodonosor II sa tatlong taon at naghimagsik at pagkatapos ay naghimagsik. Siya ay ay 25 taon ng maging hari ng Juda at naghari ng 11 taon (2 Kronika 36:5).
Jehoiakim o Joacim | |
---|---|
Paghahari | ipinagpalagay na 609–598 BCE |
Lugar ng kapanganakan | Herusalem |
Lugar ng kamatayan | Herusalem o Babilonya(depende sa mga talata ng Bibliya) |
Sinundan | Jehoahaz kanyang kapatid |
Kahalili | Jeconiah na kanyang anak |
Konsorte kay | Nehushta ayon sa Bibliya |
Supling | Jeconias |
Bahay Maharlika | Bahay ni David |
Ama | Josias |
Ina | Zebidah |