![cover image](https://wikiwandv2-19431.kxcdn.com/_next/image?url=https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/6/61/Murillo_immaculate_conception.jpg/640px-Murillo_immaculate_conception.jpg&w=640&q=50)
Kalinis-linisang Paglilihi
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Kalinis-linisang Paglilihi sa Birhen Maria (Kastila: Inmaculada Concepción, Latin: Immaculata Conceptio) ay Dogma ng Simbahang Katolika patungkol sa kawalang-bahid sa salang orihinal ng Birhen Maria noon pa mang siya'y ipinaglihi ng kaniyang inang si Santa Ana, na di-gaya ng lahat ng tao na nagmamana ng salang orihinal. Ito ay isa sa apat na dogmata o saligang katuruan ng Simbahang Katolika patungkol sa Birhen Maria at nakasaad sa kalatas ng Papa o bulang Ineffabilis Deus (Ang 'Di Malirip na Diyos) na ipinahayag ni Papa Pio IX noong Disyembre 8, 1854.[1] Karaniwang nagdudulot ng kalituhan ang kalinis-linisang paglilihi kay Maria at ang pananatili niyang birhen bago at matapos niyang ipagdalang-tao si Hesus, sa pag-aakalang ito'y tumutukoy sa paglilihi ni Maria kay Hesus.
Kalinis-linisang Paglilihi kay Maria | |
---|---|
![]() La Purísima Inmaculada Concepción ni Bartolomé Esteban Murillo, 1678, nasa Museo del Prado, Espanya. | |
Benerasyon sa | Simbahang Katolika Ilan nama'y sa Oriental Orthodox Churches Islam, Kapatiran ng Simbahang Anglikano |
Kapistahan | Disyembre 8 |
Katangian | silahis ng buwan, korona ng labindalawang bitwin, kulay asul na damit, maliliit na kerubin, tinatapakan ang ahas, Pag-aakyat sa Mahal na Birheng Maria |
Patron | ![]() ![]() ![]() ![]() ![]() ![]() ![]() ![]() ![]() ![]() |