Inhenyeriyang pang-industriya
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Inhenyeriyang Pang-industriya ay isang propesyong interdisiplinaryo na nakatuon sa pag-uusisa nang mabuti ng mga komplikadong proseso, sistema, o mga organisasyon sa pamamagitan ng pagbuo, pagpapabuti at pagpapatupad ng pinagsama-samang sistema ng mga tao, pera, kaalaman, impormasyon, kagamitan, enerhiya at mga materyales [1].
![]() | Marami pong problema ang artikulong ito. Tulungang mapabuti po ito o di kaya'y talakayin ang mga problemang nakasaad sa pahina ng usapan nito.
|
Ang mga inhenyerong pang-industriya ay gumagamit ng mga nagdadalubhasang kaalaman at kasanayan sa matematika, mga agham pampisikal at panlipunan, kasama ang mga prinsipyo at pamamaraan ng inhenyeriyang pagsusuri at disenyo, upang tukuyin, hulaan, at suriin ang mga resulta na nakuha mula sa mga sistema at mga proseso[1] . Mula sa mga resultang ito, maaari silang lumikha ng mga bagong sistema, proseso o sitwasyon para sa kapaki-pakinabang na koordinasyon ng tao, mga materyales at mga makina at mapabuti rin ang kalidad at pagiging produktibo ng mga sistema, pisikal o panlipunan [2][3]. Depende sa mga sub-specialties na kasangkot, ang inhenyeriyang pang-industriya ay maaari ring magsanib sa: pananaliksik sa operasyon, mga sistema ng inhenyeriyang, inhenyeriyang pangmanupaktura, inhenyeriyang pangproduksyon , agham sa pamamahala , inhenyeriyang pampamahala, inhenyeriyang pampinansyal, ergonomya o human factor engineering , inhenyeriyang pangkaligtasan, o iba pa, depende sa pananaw o motibo ng gumagamit.
Kahit na ang mga pinagbabatayan ng mga konsepto nito ay higit na magkakalat ng ilang disiplina na nakatuon sa negosyo, tulad ng pamamahala ng mga operasyon, ang pang-industriyang inhenyeriya ay isang disiplinang pang-agham na napapailalim sa (at karapat-dapat para sa) propesyonal na lisensya sa inhenyeriya sa karamihan ng mga hurisdiksyon.