Ang Imperyong Ruso (Lumang ortograpiyang Ruso: Россійская Имперія, Modernong Ruso: Российская империя, Rossiyskaya Imperiya) ay isang estadong umiral mula 1721 hanggang ito'y patalsikin ng isang panandaliang liberal na himagsikan noong Pebrero 1917.[2] Ito ay isa sa mga pinakamalaking imperyo sa kasaysayan ng daigdig, na umabot ang lawak sa tatlong kontinente; tanging ang Imperyong Briton at Mongol lamang ang humigit sa kalupaan nito. Malaki ang ginampanang papel ng Imperyong Ruso noong 1812–1814 nang talunin nito si Napoleon sa kaniyang tangkang sakupin ang Europa, at noo'y lumawak pa ang nasakupan nito sa kanluran at timog. Malimit nitong kahidwaan ang Imperyong Ottoman na siya namang protektado ng mga Briton.

Agarang impormasyon Katayuan, Kabisera ...
Imperyong Ruso
Россійская Имперія  (Pre-reformed Russian)
Российская Империя  (RussianCyrillic)
Rossiyskaya Imperiya  (transliteration)
1721–1917
Salawikain: "S nami Bog!"
Съ нами Богъ!
"God is with us!"
Awiting Pambansa: none
Imperial anthem
Bozhe, Tsarya khrani!
Боже, Царя храни!
"God Save the Tsar!"
Thumb
Lahat ng teritorying nasakop ng Imperyong Ruso at mga saklaw ng impluwensiya.
  Teritoryo[a]
  Saklaw ng impluwensiya
KatayuanImperyo
Kabisera
Karaniwang wikaOpisyal
Russian
Relihiyon
Official
Russian Orthodox
PamahalaanAwtokrasya
Ganap na monarkiya by divine right before
1906 · Constitutional monarchy from 1906
Emperador 
 1721–1725 (una)
Peter I
 1894–1917 (huli)
Nicholas II
Chairman of the
Council of Ministers
 
 1905–1906 (una)
Sergei Witte
 1917 (huli)
Nikolai Golitsyn
Lehislatura
Emperor exercises legislative
power in conjunction with the
State Council and State Duma[1]
 Mataas na Kapulungan
State Council
 Mababang Kapulungan
State Duma
Kasaysayan 
 Accession of Peter I
7 May [O.S. 27 Apr] 1682[c]
 Empire proclaimed
22 Oct [O.S. 11 Oct] 1721
 Decembrist revolt
26 Dec [O.S. 14 Dec] 1825
 Feudalism abolished
3 Mar [O.S. 19 Feb] 1861
Jan–Dec 1905
 Constitution adopted
23 Apr [O.S. 6 May] 1906
15 Mar [O.S. 2 Mar] 1917
7 Nov [O.S. 25 Oct] 1917
Lawak
186622,800,000 km2 (8,800,000 mi kuw)
191621,799,825 km2 (8,416,959 mi kuw)
Populasyon
 1916
181,537,800
SalapiRuble
Pinalitan
Pumalit
Tsardom of Russia
Russian Republic
Ober Ost
Karafuto Prefecture
Department of Alaska
Northern Caucasus
State of
Buryat-Mongolia
Bahagi ngayon ng
  • a. ^ Matapos ang 1866, ang Alaska ay ipinagbili sa Estados Unidos, ngunit ang Batum, Kars, Pamir at Transcaspia ay nakuha.
  • b. ^ Pinangalanang Petrograd noong 1914.
  • c. ^ Patuloy na ginamit ng Rusya ang Kalendaryong Juliano
    hanggang pagbagsak ng imperyo.
Isara

Sa simula ng ika-19 na siglo, umaabot mula Karagatang Artiko sa hilaga hanggang Dagat Itim sa timog, mula sa Dagat Baltiko sa kanluran hanggang Karagatang Pasipiko, at (hanggang 1867) Alaska sa Hilagang Amerika sa silangan ang teritoryo nito.[3] Ang 125.6 milyon kataong nasasakupan nito ayon sa tala ng senso noong 1897, ay ang ikatlong pinakamalaking populasyon sa daigdig noong panahong iyon, kasunod ng sa Tsina at Imperyong Briton. Gaya ng lahat ng imperyo, malaki ang pagkakaiba-iba sa ekonomiks, etnisidad, at relihiyon nito. Maraming elementong laban sa imperyo ang naglunsad ng pag-aalsa at mga tangkang asasinasyon; na siya namang mahigpit na minatyagan ng lihim na pulisya, libu-libo sa mga ito ang pinatapon sa Siberia.

Lubhang pangkanayunan ang ekonomiya ng imperyo at mababa ang produksiyon sa mga malalawak na lupaing sinasaka ng mga alipin, sila'y napalaya noong 1861. Sa tulong ng dayuhang pamumuhunan sa daang-bakalan at mga pabrika, dahan-dahang naging industriyalisado ang ekonomiya. Ang mga lupain ay hawak ng mga nobleng Boyar mula ika-10 hanggang ika-17 siglo, at mula noo'y ng isang emperador na tinatawag na "Tsar".

Mga sanggunian

Wikiwand in your browser!

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.

Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.