Ang Ikalawang Konsilyong Vaticano[1] (sa Latin: Concilium Oecumenicum Vaticanum Secundum, impormal na tinutukoy na Vaticano II) ay ang ikadalawampu't-isa at hanggang sa ngayo'y kahuli-hulihang konsilyong ekumeniko ng Simbahang Katolika at ikalawang idinaos sa Basilika ni San Pedro sa Vaticano. Ipinatawag ni Papa Juan XXIII ang konsilyo na nagbukas noong Oktubre 11, 1962 at natapos na sa ilalim ni Papa Pablo VI noong Disyembre 8, 1965. Tinugunan ng Vaticano II ang mga hamon sa Simbahan Katoliko ng makabagong daigdig.

Sa mga nakibahagi sa pagbubukas ng sesyon ng konsilyo, apat ang naging Santo Papa, sina Kardinal Giovanni Battista Montini, na humalili kay Papa Juan XXIII at gumamit ng pangalang Pablo VI; Obispo Albino Luciani, na naging Papa Juan Pablo I; Obispo Karol Wojtyla, na naging Papa Juan Pablo II; at Padre Joseph Ratzinger, dumalo bilang kasangguning panteolohiya, na naging si Papa Benedicto XVI.[2][3][4]

Inilabas ng Vaticano II ang apat na konstitusyon, siyam na dekreto at tatlong pahayag.

Kasaysayan

Ang anunsiyo sa pagpapatawag ng isang konsilyong ekumeniko ay isinagawa ni Papa Juan XXIII sa Basilika ni San Pablo Extramuros noong Enero 25, 1959, tatlong buwan pa lamang magmula nang siya'y hirangin bilang Santo Papa. Kasama rin sa pahayag na ito ang pagpapatawag ng isang sinodo ng Diyosesis ng Roma at ang pagpapabago ng Kodigo ng Batas Canon.

Mga sanggunian

Mga kawing panlabas

Wikiwand in your browser!

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.

Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.