Ang unang milenyo ng anno Domini o Karaniwang Panahon ay isang milenyo na sumasaklaw sa mga taong 1 hanggang 1000 (una hanggang ika-10 dantaon; sa astronomiya: JD o Huliyanong araw na 1721425.5 2086667.5[1]). Tumaas ang populasyon ng mundo ng mas mabagal kaysa noong nakaraang milenyo, mula sa mga 200 milyon noong taong 1 AD hanggang sa mga 300 milyon noong taong 1000.[2]

ThumbDakilang Moske ng Meccabundok VesubioMaagang Gitnang Panahonkorte ni Pilato
Mula kaliwa, paikot sa kanan: Paglalarawan ni Jesus, ang sentral na pigura sa Kristiyanismo; the central figure in Christianity; Ang Koliseo, isang muhon ng minsang makapangyarihang Imperyong Romano; ang Kaaba, ang Dakilang Moske ng Mecca, ang pinakabanal na lugar ng Islam; Ahedres, isang larong table na naging popular sa buong mundo; Bumagsak ang Kanlurang Imperyong Romano, na inihahatid sa Maagang Gitnang Panahon; Ang labing kalansay ng isang batang babae, na kilala bilang "babaeng singsing", na pinatay sa pamamagitan ng pagputok ng Bundok Vesubio noong AD 79; Attila ang Hun, pinuno ng Imperyong Hun, na kinuha ang karamihan ng Silangag Europa (Likuran: Reproduksyon ng lumang miyural mula sa Teotihuacan, Pambansang Museo ng Antropolohiya, Lungsod ng Mehiko)

Sa Kanlurang Eurasya at Malapit na Silangan, ang unang milenyo ay isang panahon ng malaking paglipat mula Klasikong Sinaunang Panahon tungo sa Gitnang Panahon. Nakita sa unang siglo ang rurok ng Imperyong Romano, na sinundan ng unti-unting paghina nito noong panahon ng Huling Sinaunang Panahon, ang pagbangon ng Kristiyanismo at ang Dakilang Pandarayuhan. Ang ikalawang kalahati ng milenyo ay nakikilala bilang ang Maagang Gitnang Panahon sa Europa, at minamarka ng pagpapalawak ng Viking sa kanluran, ang pagbangon ng Imperyong Bisantino sa silangan.

Mga sanggunian

Wikiwand in your browser!

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.

Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.