From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Ikalabingwalong Dinastiya ng Sinaunang Ehipto o Dinastiyang XVIII (c. 1550–c. 1292 BCE) ay marahil ang pinakakilala sa lahat ng mga dinastiya ng Sinaunang Ehipto. Kabilang sa mga sikat na paraon sa dinastiyang ito ang paraon na si Tutankhamun na ang pagkakatuklas ng libingan nito ni Howard Carter noong 1922 ay isang sensasyonal na pagkakatuklas sa arkeolohiya sa kabila ng pagkaistorbo ng libingang ito ng mga magnanakaw ng libingan. Ang dinastiyang ito ay minsang kilala bilang Dinastiyang Thutmosid dahil ang apat sa mga paraon nito ay pinangalanang Thutmosis(batang Thoth). Bukod kay Tutankhamen, ang mga sikat na paraon nito ay kinabibilangan ni Hatshepsut (1479 BCE–1458 BCE) na pinakamahabang namunong reynang paraon ng isang katutubong dinastiya at Akhenaten (1353–1336 BCE/1351–1334 BCE) na "heretikong paraon" kasama ng kanyang reynang si Nefertiti. Ang Dinastiyang XVIII ay kadalasang isinasama sa mga Dinastiyang XIX at Dinastiyang XX upang bumuo ng panahong Bagong Kaharian ng kasaysayan ng Sinaunang Ehipto.
Paraon | Pangalang-Horus | Paghahari (BCE) | Libingan | (Mga) konsorte |
---|---|---|---|---|
Ahmose I | Nebpehtire | 1549–1524 BCE | Ahmose-Nefertari Ahmose-Henuttamehu Ahmose-Sitkamose | |
Amenhotep I | Djeserkare | 1524–1503 BCE | KV39? | Ahmose-Meritamon |
Thutmose I | Akheperkare | 1503–1493 BCE | KV20, KV38 | Ahmose Mutnofret |
Thutmose II | Akheperenre | 1493–1479 BCE | KV42? | Hatshepsut Isis |
Hatshepsut | Maatkare | 1479–1458 BCE | KV20 | |
Thutmose III | Menkheper(en)re | 1479–1424 BCE | KV34 | Satiah Merytre-Hatshepsut Nebtu Menhet, Menwi and Merti |
Amenhotep II | Akheperure | 1424–1398 BCE | KV35 | Tiaa |
Thutmose IV | Menkheperure | 1398–1388 BCE | KV43 | Nefertari Iaret Mutemwiya Anak na babae ni Artatama I ng Mitanni |
Amenhotep III | Nebmaatre | 1388–1350 BCE | KV22 | Tiye Gilukhipa ng Mitanni Tadukhipa ng Mitanni Sitamun Iset Anak na babae ni Kurigalzu I ng Babilonia.[1] Anak na babae ni Kadashman-Enlil ng Babilonia.[1] Anak na babae ni Tarhundaradu ng Arzawa.[1] Anak na babae ng pinuno ng Ammia[1] |
Akhenaten | Neferkepherure-Waenre | 1351–1334 BCE | Royal Tomb of Akhenaten | Nefertiti Kiya Tadukhipa of Mitanni Anak na babae ni Šatiya na pinuno ng Enišasi[1] Anak na babae ni Burna-Buriash II na hari ng Babilonia[1] |
Smenkhkare | Ankhkheperure | 1335–1334 BCE | ||
Neferneferuaten | Ankhkheperure | 1334–1332 BCE | Nefertiti? | |
Tutankhamun | Nebkheperure | 1332–1323 BCE | KV62 | Ankhesenamun |
Ay | Kheperkheperure | 1323–1319 BCE | KV23 | Ankhesenamun Tey |
Horemheb | Djeserkheperure-Setepenre | 1319–1292 BCE | KV57 | Mutnedjmet |
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.