![cover image](https://wikiwandv2-19431.kxcdn.com/_next/image?url=https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/b/ba/House_of_Commons_current.svg/langtl-640px-House_of_Commons_current.svg.png&w=640&q=50)
Kapulungan ng mga Karaniwan ng United Kingdom
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Kapulungan ng mga Karaniwan ng United Kingdom o House of Commons ang mababang kapulungan ng Parlamento ng United Kingdom na tulad ng Kapulungan ng mga Panginoon(ang mataas ng kapulungan) ay nagpupulong sa Palasyo ng Westminster. Ang Mga Karaniwan o Commons ay isang demokratikong nahahalal na katawan na binubuo ng 650 kasapi na kilala bilang mga Mga kasapi ng Parlamento o MP. Ang mga kasapi nito ay nahahalalal upang ikatawan ang mga konstituensiya ayon sa first-past-the-post at nananatili sa kanilang mga upuan sa kapulungan hanggang sa pagbuwag nito ng Parlamento. Ang Kapulungan ng mga Karaniwan ng Inglatera ay nagebolb sa isang punto sa Inglater noong ika-14 siglo na naging Kapulungan ng mga Karaniwan ng Gran Britanya pagkatapos ng unyong pampolitika sa Scotland noong 1707 at noong ika-19 na siglo ang United Kingdom ng Gran Britanya at Ireland pagkatapos ng unyong pampolitika sa Ireland bago ang pagkuha nito ng kasaulukyang pamagat pagkatapos na ang kalayaan ay ibigay sa Malayang Estadong Irish noong 1922. Sa ilalim ng Aktong Parlamento ng 1911, ang kapangyarihan ng Kapulungan ng mga panginoon na magtakwil ng lehislasyon ay napaliit sa isang kapangyarihang pagpapaantala nito. Ang Pamahalaan ay pangunahing responsable sa Kapulungan ng mga Karaniwan at ang Punong Ministro ng United Kingdom ay nananatili sa opisina nito habang napapanatili nito ang suporta nito.
The House of Commons of the United Kingdom of Great Britain and Northern Ireland | |
---|---|
Ika-55 Parlamento | |
Uri | |
Uri | Mababang kapulungan ng Parlamento ng United Kingdom |
Pinuno | |
Ispiker | John Bercow Simula 22 Hunyo 2009 |
Lider | |
Shadow Leader | |
Estruktura | |
Mga puwesto | 650 |
![]() | |
Mga grupong pampolitika | HM Government
HM Official Opposition
Other Opposition
Speaker
|
Haba ng taning | 5 years |
Suweldo | £65,738 per annum |
Halalan | |
paraan ng pagboto | First-past-the-post |
Huling halalan | 6 Mayo 2010 |
Susunod na halalan | 7 Mayo 2015 |
Redistricting | Boundary Commissions |
Lugar ng pagpupulong | |
![]() | |
House of Commons chamber Palace of Westminster City of Westminster London United Kingdom | |
Websayt | |
House of Commons |