Helicopter 66
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Helicopter 66 ay isang Sikorsky Sea King na helikopter ng Hukbong Dagat ng Estados Unidos na ginamit noong huling bahagi ng dekada 1960 para sa tubiging paggaling ng mga malintala sa limang misyon ng programang Apollo. Itinuturing ito bilang "isa sa mga pinakasikat o pinakaikoniko lang man na helikopter sa kasaysayan". Ginawa itong paksa ng isang kanta ni Manuela mula sa 1969 at ginawan ng modelong die-cast ng Dinky Toys. Bilang karagdagan sa kanyang trabaho sa pagsuporta ng NASA, inihatid din ng Helicopter 66 ang Shah ng Iran sa kanyang pagbisita noong 1973 sa salipawan na USS Kitty Hawk.
Ibinigay ang Helicopter 66 sa US Navy noong 1967 at naging bahagi ng imbentaryo ng HS-4 (U.S. Navy Helicopter Anti-Submarine Squadron Four) para sa buong aktibong buhay nito. Kabilang sa mga piloto nito noon si Donald S. Jones na nagpatuloy na mamamahala ng Ikatlong Armada ng Estados Unidos. Binigyan ito ng bagong numero (Helicopter 740), at bumagsak ang salipaw sa Karagatang Pasipiko noong 1975 sa isang pagsasanay. Sa panahon ng pagbagsak nito, nakarehistro ito ng higit sa 3,200 oras ng serbisyo.