Haumea (astronomiya)
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Haumea (sagisag: ;[1] bigkas: /haʊˈmeɪə/, /hawmeya/), may opisyal na itinalagang katawagang (136108) Haumea, ay isang planetang unano sa loob ng sinturong Kuiper, mga isang-ikatlo ng masa ng Pluto[2], at natuklasan ng pangkat ni Michael E. Brown sa Caltech ng Estados Unidos at ng pangkat ni José Luis Ortiz Moreno ng Panimulaan ng Astropisika ng Andalusya (Instituto de Astrofísica de Andalucía) sa Obserbatoryo ng Sierra Nevada sa Espanya. Noong Setyembre 17, 2008[3] , iniuri ito sa mga planetang unano ng IAU at pinangalanan mula sa Hawayanang diyosa ng panganganak at kasaganahang si Haumea. Itinuturing na natatangi ang planetang Haumea na kasama sa mga bagay na nasa sinturong Klasikal ni Kuiper dahil sa labis nitong kahabaan; mahigit sa dalawang ulit itong mas mahaba sa kaniyang pinakamalaking sukat na diyametrong ekuwatoryal, dahil malapad ito sa mga palo o dulong panghilaga at pangtimog.[4] Subalit, dahil sapat ang grabedad nito para makapagpanatili ng biluging elipsoydal na hugis, nakakaabot ito sa mga pangangailangan para sa ekilibriyong hidrostatikong ginagamit sa kahulugan ng mga planetang unano. Pinaniniwalaang dulot ang kahabaang ito, kasama ng mabilis nitong pag-inog, dalawang mga buwan, mataas na kasinsinan (densidad), at mataas na albedo, ng malakas na banggaan.[5] Ang Haumea ang pinakamalaking kasapi sa tinatawag na "mga nagbabanggaang mag-anak" o pamilyang kolisyonal.[6] Dahil sa mga kristalinong tubig-yelong nasa kapatagan ang pagkakaroon ng mataas na albedo ng Haumea.[7]
![Thumb image](http://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/2/2b/Haumea_Hubble.png/220px-Haumea_Hubble.png)