Hari ng Roma
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Hari ng Roma ay isang titulong ginamit noong panahon ng Kahariang Romano at noong naitatag ang Banal na Imperyo Romano. Ang hari ng Roma ay ang punong mahistrado ng Kahariang Romano.[1] Ayon sa alamat, ang unang hari ng Roma ay si Romulus, na nagtatag ng lungsod ng Roma noong 753 BK sa Burol ng Palatino. Pitong maalamat na mga hari ang sinabing naghari sa Roma hanggang 509 BK, noong tanggalin sa luklukan ang huling hari. Ang mga haring ito ay namuno sa loob ng may 35 mga taon. Dahil nawasak ang mga talaan ng Roma noong 390 BK noong dambungin ang lungsod, imposibleng tiyak na mapag-alaman kung ilan talaga ang mga haring namuno sa lungsod, o kung tumpak ba ang anumang mga gawain na ikinakabit ng mga tao na pagdaka ay nagsulat hinggil sa indibiduwal na mga haring ito.
Ang mga hari pagkaraan ni Romulus ay hindi nalalaman kung mga tagapaglunsad ng dinastiya at walang pagtukoy na nagawa sa prinsipyong pangpagpapamana ng pagkahari, na napag-alaman lamang pagkaraan ng ikalimang hari na si Tarquinius Priscus. Bilang kinahinatnan, may ilang mga dalubhasa na nagpalagay na ang mga Tarquin at ang kanilang pagtatangkang magpasimula ng isang monarkiyang hereditaryo (monarkiyang namamana) sa ibabaw nito ay nagpahinuha ng mas naunang monarkiyang elektibo (monarkiyang hinahalal) na nagresulta sa pagbubuo ng Republikang Romano.