From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang grasya (Ingles: grace, mercy[1]) ay ang pagpapakita o pagpapamalas ng pagkaayaw o pagkadisgusto at kabutihang loob sa isang tao na hindi naman karapat-dapat na tumanggap nito. Ang grasyang mula sa Diyos ang pinakagitna o "puso" ng mensahe ng Bibliya, na nagpaparating na minamahal at inililigtas ng Diyos ang mga tao kahit na lumalaban sila sa kanya.[1] Kasingkahulugan ito ng kabaitan, kabutihan, kagandahang loob, habag, awa, pang-unawa, pabor, tulong, indulhensya, patawad o pagpapatawad, bagay na hulog o dulot ng langit, pagpapala, pagkasi, biyaya, o pagkandili ng Diyos.[2] Katumbas din ito ng kabutihang loob, kagandahang palad, katighawan ng paghihirap, luwag, at klemensya.[2] Nangangahulugan din itong pagtanggap ng kagandahang loob at kapatawaran na higit pa sa naaangkop o nararapat para sa isang tao.[1] Kaugnay din ito ng salitang benigno (kagandahang-loob) na nangangahulugang mabait, nakabubuti, mayumi, maamo, may maamong-loob, mahabagin, maawain, at kaaya-aya.[2][3] Tumutukoy din ang grasya sa isang uri ng dasal na paghingi ng biyaya o pagpapala ng Diyos bago kumain o panalangin ng pasasalamat sa Diyos pagkaraang makakain. Ang ganitong dalangin ay bahagi ng tradisyong rabinikal na kailangan ayon sa Deuteronomio 8:10 sa Lumang Tipan ng Bibliya. Inako ng sinaunang mga Kristiyano ang kaugaliang ito.[4]
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.