![cover image](https://wikiwandv2-19431.kxcdn.com/_next/image?url=https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/4/47/TheTownofGuinayangan.jpg/640px-TheTownofGuinayangan.jpg&w=640&q=50)
Guinayangan
bayan ng Pilipinas sa lalawigan ng Quezon / From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Guinayangan ay isa sa mga bayan ng lalawigan ng Quezon na dating Tayabas. Ayon sa senso ng 2020, ito ay may populasyon na 44,045 sa may 11,521 na kabahayan. Ang bayang ito ay matatagpuan sa dulong timog ng lalawigan . Kabilang sa ika-apat na uri, ayon sa bagong klasipikasyon ng mga bayan, ang Guinayangan ay may lawak na 22,880 ektarya, humigit kumulang at pinaninirahan ng mahigit 45,000 mamamayan, sang ayon sa pinakabagong senso. Bisaya, Tagalog, Bikolano, Ilokano, Pampanguenio at mga katutubong katabangan ang pinggagalingan ng mga tao dito.
Guinayangan Bayan ng Guinayangan | |
---|---|
![]() | |
![]() Mapa ng Quezon na nagpapakita sa lokasyon ng Guinayangan. | |
![]() | |
Mga koordinado: 13°54′N 122°27′E | |
Bansa | ![]() |
Rehiyon | Calabarzon (Rehiyong IV-A) |
Lalawigan | Quezon |
Distrito | Pang-apat na Distrito ng Quezon |
Mga barangay | 54 (alamin) |
Pagkatatag | 1769 |
Pamahalaan | |
• Punong-bayan | Maria Marieden M. Isaac |
• Manghalalal | 28,269 botante (2022) |
Lawak | |
• Kabuuan | 214.12 km2 (82.67 milya kuwadrado) |
Populasyon (Senso ng 2020) | |
• Kabuuan | 44,045 |
• Kapal | 210/km2 (530/milya kuwadrado) |
• Kabahayan | 11,521 |
Ekonomiya | |
• Kaurian ng kita | ika-3 klase ng kita ng bayan |
• Antas ng kahirapan | 17.25% (2021)[2] |
• Kita | ₱172,031,229.89 (2020) |
• Aset | ₱580,854,999.09 (2020) |
• Pananagutan | ₱359,412,873.67 (2020) |
• Paggasta | ₱141,589,199.96 (2020) |
Kodigong Pangsulat | 4319 |
PSGC | 045618000 |
Kodigong pantawag | 42 |
Uri ng klima | Tropikal na kagubatang klima |
Mga wika | Wikang Inagta Alabat wikang Tagalog |
Websayt | guinayangan.com |
Ang Guinayangan ay may layong 255 kilometro mula lunsod ng Maynila, kung lalakbayin ng SLEX. Mararating din ang bayang ito sa pamamagitan ng sasakyang dagat dahil sa ito ay nasa baybay ng look Ragay, sa katunayan, noong walang pang daang bakal mula sa Aloneros, isang baranggay ng sakop ng Guinayangan na nadadaanan ng daang bakal, ang mga taga rito ay lumuluwas sa pamamagitan ng bapor, sapagkat noon ay may daungan dito. Malayang makararating dito ang mga Bikolano, Bisaya at iba pang mga kababayan sa pamamagitan ng paglalakbay dagat.