From Wikipedia, the free encyclopedia
Si Georges Henri Joseph Édouard Lemaître (Pranses: [ʒɔʁʒə ləmɛtʁ] ( pakinggan); 17 Hulyo 1894 – 20 Hunyo 1966), na nakikilala rin bilang Abbé Lemaître[1] (literal na "Padre Lemaître"), ay isang Belhikong pari, astronomo, at propesor ng pisika sa Katolikong Pamantasan ng Louvain. Siya ang unang tao na nagpanukala ng teoriya ng paglawak ng Kalawakan, na malawakang idinidikit kay Edwin Hubble.[2][3] Siya rin ang unang tao na humango sa nakikilala sa ngayon bilang Batas ni Hubble at gumawa ng unang estimasyon o pagtatantiya ng tinatawag na sa kasalukuyan bilang konstanteng Hubble, na inilathala niya noong 1927, dalawang taon bago lumitaw ang artikulo ni Hubble.[3][4][5][6] Ipinanukala rin ni Lemaître ang naging nakikilala bilang teoriya ng Malaking Pagsabog ng pinagmulan ng Sansinukob, na tinawag niyang "hipotesis ng kauna-unahang atomo".[7]
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.