From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang labuyo o manok ihalas[2] (Gallus gallus) ay isang ibong pang-tropiko sa pamilyang Phasianidae. Matatagpuan ito sa karamihan ng Timog-silangang Asya at ilang bahagi ng Timog Asya. Ito ang espesye na nagbigay-daan upang umusbong ang manok (Gallus gallus domesticus); nagkapag-ambag din ang labuyong kulay-abo (grey junglefowl), labuyo sa Sri Lanka (Sri Lankan junglefowl) at labuyong luntian (green junglefowl) ng materyal henetika sa pangkat ng hene ng manok.[3][4]
Labuyong manok | |
---|---|
Labuyong manok | |
Katayuan ng pagpapanatili | |
Klasipikasyong pang-agham | |
Dominyo: | Eukaryota |
Kaharian: | Animalia |
Kalapian: | Chordata |
Hati: | Aves |
Orden: | Galliformes |
Pamilya: | Phasianidae |
Sari: | Gallus |
Espesye: | G. gallus |
Pangalang binomial | |
Gallus gallus (Linnaeus, 1758) | |
Labuyo (kulay-kayumanggi) | |
Kasingkahulugan | |
Phasianus gallus Linnaeus, 1758 |
Nabunyag ng ebidensya mula sa antas molekula na hinango mula sa buong-henoma na pinagkasunod-sunod na nadomestikado ang manok mula sa labuyo noong mga 8,000 taong nakalipas,[3] na kinasangkutan ng kaganapang domestikasyon na ito ang maramihang pinagmulang maternal.[3][5] Simula noon, kumalat ang kanilang anyong domestikado sa buong mundo kung saan inalagaan sila ng mga tao para sa kanilang karne, itlog, at bilang kasama.[6]
Tinatawag ang Gallus gallus sa Tagalog bilang "labuyo" (kung lalaki) o "upa" (kung babae) habang ang katawangang "manok ihalas" o "ihalas" ay ginagamit sa Kabisayaan.[7] Nangangahulugang "malayang gumagala" ang katawagan.[2]
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.