From Wikipedia, the free encyclopedia
Si Emperador Xianfeng o Emperador Hsien-feng (Tsino: 咸豐帝, pinyin: Xiánfēngdì; 17 Hulyo 1831 – 22 Agosto 1861), ipinanganak bilang Aisin-Gioro I Ju (o Yizhu), ay ang ika-9 na Emperador ng Tsina ng Dinastiyang Qing (Dinastiyang Ching), at ang pampitong emperador ng Qing na namuno sa Tsina, magmula 1850 hanggang 1861.
Si Yizhu (I Ju) ay ipinanganak noong 1831 sa Kompleks ng Palasyong Pangtag-init ng Imperyo, 8 mga kilometro sa hilaga-kanluran ng mga pader ng Beijing. Siya ang pang-apat na anak na lalaki ni Emperador Daoguang. Ang kaniyang ina ay si Imperyal na Konsorteng Quan (全貴妃), ng angkang Niuhuru (Manchu), at tinatawag ding Emperatris Xiaoquancheng (孝全成皇后) (partikular na noong mamatay) dahil naging Emperatris siya noong 1834. Si Yizhu ay mayroong reputasyon na may kakayahan sa panitikan at pangangasiwa na nalampasan ang kakayahan ng karamihan sa kaniyang mga kapatid na lalaki, na nakapagpahanga sa kaniyang amang si Emperador Daoguang na, dahil ganoon si Yizhu, ay nagpasyang gawin siyang kahalili nito bilang emperador.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay, Kasaysayan at Tsina ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.