Ang ekinoksiyong pang-araw ay isang panahong kung kailan ang Araw ay tumatawid sa ekwador ng Daigdig, ibig sabihin, direktang lumilitaw sa itaas ito ng ekwador, sa halip na hilaga o timog ng ekwador. Sa araw ng ekinoksiyo,[1] lumilitaw ang Araw na sumisikat "tungong silangan" at lumulubog "tungong kanluran". Nangyayari ito ng dalawang beses bawat taon, sa humigit-kumulang Marso 20 at Setyembre 23.[lower-alpha 1]

Mas tumpak, tradisyunal na tinutukoy ang isang ekinoksiyo bilang ang oras kung kailan dumadaan ang plano ng ekwador ng Daigdig sa gitnang heometriko ng disko ng Araw.[2][3] Katumbas nito ang sandali kung kailan direktang umiinog ang aksis ng Daigdig ng patayo sa linyang Araw-Daigdig, na hindi tumatagilid patungo o palayo sa Araw. Yayamang nagiging sanhi ang Buwan (at mga planeta sa maliit na saklaw) ng bahagyang pag-iiba ng orbita ng Daigdig mula sa isang perpektong elipse, opisyal na tinukoy ng ekinoksiyo ang mas regular na longhitud na eliptiko ng Araw sa halip na sa pamamagitan ng paglihis nito. Kasalukuyang binibigyang kahulugan ang mga sandali ng ekinoksiyo na kapag ang maliwanag na longhitud na heosentriko ng Araw ay 0° at 180°.[4]

Hinango ang salita mula sa Latin na aequinoctium, (pantay) at nox (gabi). Sa araw ng isang ekinoksiyo, humigit-kumulang pantay na tagal sa buong planeta ang araw at gabi. Hindi eksaktong pantay ang mga ito, gayunpaman, dahil sa laking anggular ng Araw, ang repraksyong atmosperiko, at ang mabilis na pagbabago ng tagal ng haba ng araw na nangyayari sa karamihan ng mga latitud sa paligid ng mga ekinoksiyo. Bago pa naisip ang pagkakapantay-pantay na ito, binanggit ng mga primitibong kulturang nasa ekwador kung kailan sumisikat ang Araw sa silangan at lumulubog sa kanluran, at sa katunayan, nangyayari ito sa araw na pinakamalapit sa tinukoy na kaganapang pang-astronomiya. Bilang resulta, ayon sa wastong pagkakagawa at nakahanay na sundial o orasang pang-araw, 12 oras ang tagal ng araw..

Sa Hilagang Emisperyo, tinatawag ang ekinoksiyo sa Marso na ekinoksiyong bernal o tagsibol habang ang tinatawag ang ekinoksiyo sa Setyembre na ekinoksiyong otonal o taglagas. Sa Timog Emisperyo, kabaligtaran ang totoo. Sa loob ng taon, kahalili ng mga ekinoksiyo ang mga solstisyo. Ang mga taong bisyesto at iba pang mga kadahilanan ay ang nagiging sanhi para ang mga petsa ng parehong mga kaganapan na bahagyang mag-iba.[5]

Mga talababa

  1. Sinusunod ng artikulong ito ang kustomaryong istilong Wikipedia na nakadetalye sa en:Manual of Style/Dates and numbers#Julian and Gregorian calendars; binibigay ang mga petsang bago ang Oktubre 15, 1582 sa kalendaryong Huliyano habang binibigay sa kalendaryong Gregoryano ang mas kamakailang petsa. Binibigay ang mga petsa bago ang Marso 1, 8 AD sa kalendaryong Huliyano na sinusunod sa Roma; may hindi tiyak na ilang araw kapag pinapalitan ang mga naunang petsa na ito sa proleptikong kalendaryong Huliyano.

Mga sanggunian

Wikiwand in your browser!

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.

Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.