![cover image](https://wikiwandv2-19431.kxcdn.com/_next/image?url=https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/2/29/CYP2C9_1OG2.png/640px-CYP2C9_1OG2.png&w=640&q=50)
Metabolismo ng droga
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang metabolismo ng droga ay isang metabolikong pagkonsumo ng droga ng isang nabubuhay na organismo, na kadalasang dumadaan sa mga sistemang ensimatiko.[1] Sa pangkalahatan, ang metabolismong xenobiyotiko (mula sa salitang Griyego xenos "hindi kilala" at biyotiko "na may kaugnayan sa nabubuhay") ay isang set ng daanang metaboliko na nagbabago sa kemikal na estruktura ng mga xenobiyotiko na kung saan ito ang mga kompuwesto na kakaiba sa normal na biyokemikal ng organismo tulad na lamang ng mga droga o lason.[2] Isang anyo ng biotransformation ang mga daanang ito na makikita sa lahat ng pangkalahatang pangkat ng mga organismo, at kinokonsidera na galing pa makalumang panahon. Kadalasang kumikilos ang mga reaksyong ito upang mawala ang kompuwestong nakakalason.[3] Ang pagaaral ng metabolismo ng droga ay ang parmakokinetiko.
![Thumb image](http://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/2/29/CYP2C9_1OG2.png/640px-CYP2C9_1OG2.png)