Diyakono
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang diyakono, binabaybay ding diakono, ay isang pinuno ng Simbahan na naglilingkod sa ibang mga tao.[1][2] Tinatawag na diyakonesa o diakonesa ang babaeng diyakuno.[1] May kaugnayan ang salitang diyakonesa sa kasaysayan ng larangan ng narsing, sapagkat ito ang katawagan sa sinaunang mga nars, mga Kristiyanang kababaihang walang asawa o nabalo na dumadalaw at nangangalaga sa mga may sakit at alalayan ang namatayang mga mag-anak.[3]