Korupsiyon
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang korupsiyon, korapsiyon, katiwalian o pangungurakot (Ingles: corruption) ay tumutukoy sa kawalan ng integridad at katapatan.
- Tungkol ito sa katiwalian. Para sa tauhan sa komiks, pumunta sa Corruptor.
Ito ay karaniwang tumutukoy sa pampolitika na korupsiyon na nangyayari kapag ang isang indibidwal na nasa posisyon sa pamahalaan o isang empleyado ng pamahalaan ay umaasal sa kanyang kapasidad bilang opisyal ng pamahalaan para sa hindi nararapat na sariling kapakinabangan.
Sa pilosopikal, teolohikal, o moral na talakayan, ito ay tumutukoy sa espiritwal o moral na kawalang puridad at paglihis sa anumang kanais nais na pag-aasal.