![cover image](https://wikiwandv2-19431.kxcdn.com/_next/image?url=https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/6/69/Lombardia_Pavia2_tango7174.jpg/640px-Lombardia_Pavia2_tango7174.jpg&w=640&q=50)
Certosa di Pavia
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Certosa di Pavia ay isang monasteryo at complex sa Lombardy, hilagang Italya, na matatagpuan malapit sa isang maliit na bayan na may parehong pangalan sa Lalawigan ng Pavia, 8 km hilaga ng Pavia. Itinayo noong 1396–1495, ito ay dating matatagpuan sa hangganan ng isang malaking parke para sa pangangaso na kabilang sa pamilyang Visconti ng Milano, kung saan ngayon ay nagkalat na lamang ang mga nanatiling bahagi. Ito ang isa sa pinakamalaking monasteryo sa Italya.
![Thumb image](http://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/6/69/Lombardia_Pavia2_tango7174.jpg/640px-Lombardia_Pavia2_tango7174.jpg)
Ang simbahan, ang huling edipisyo ng complex na itatayo, ay ang magiging mausoleong pampamilya ng mga Visconti. Idinisenyo ito bilang isang engrandeng estruktura na may nabe at dalawang pasilyo, isang uri na hindi karaniwan para sa Ordeng Cartuho. Ang nabee, sa estilong Gotiko, ay natapos noong 1465.