Cambodia
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Kambodya (Khmer: កម្ពុជា, tr. Kâmpŭchéa), opisyal na Kaharian ng Kambodya, ay bansang matatagpuan sa Tangway ng Indotsina sa Timog-Silangang Asya. Pinapaligiran ito ng Taylandiya sa hilagang-kanluran, Laos sa hilaga, Vietnam sa silangan, at Golpo ng Taylandiya sa timog-kanluran. Sumasaklaw ito ng lawak na 181,035 km2 at may populasyon na tinatayang 17 milyon mamamayan. Ang kabisera at pinakamalaking lungsod nito ay Phnom Penh.
Kaharian ng Kambodya
| |
---|---|
Salawikain: ជាតិ សាសនា ព្រះមហាក្សត្រ Chéatĕ, Sasnéa, Preăh Môhaksâtr "Bansa, Relihiyon, Hari" | |
Awitin: បទនគររាជ Nôkôr Réach "Kahariang Marilag" | |
Kabisera at pinakamalaking lungsod | Phnom Penh 11°33′N 104°55′E |
Wikang opisyal | Khmer |
Katawagan | Kamboyano • Khmer |
Pamahalaan | Unitaryong parlamentaryong elektikbong monarkiyang konstitusyonal |
• Monarko | Norodom Sihamoni |
• Punong Ministro | Hun Manet |
Lehislatura | Parlamento |
• Mataas na Kapulungan | Senado |
• Mababang Kapulungan | Pambansang Asembleya |
Kasarinlan mula sa Pransiya | |
• Pagpapahayag | 9 Nobyembre 1953 |
• Republika | 17 Marso 1970 |
• Khmer Rouge | 17 Abril 1975 |
• Republikang Bayan | 7 Enero 1979 |
• Transisyonal na Awtoridad | 30 Hunyo 1992 |
Lawak | |
• Kabuuan | 181,035 km2 (69,898 mi kuw) (ika-88) |
• Katubigan (%) | 2.5 |
Populasyon | |
• Pagtataya sa 2021 | 17,300,000 |
• Densidad | 87/km2 (225.3/mi kuw) (96th) |
KDP (PLP) | Pagtataya sa 2019 |
• Kabuuan | $76.635 billion |
• Bawat kapita | $4,645 |
KDP (nominal) | Pagtataya sa 2019 |
• Kabuuan | $26.628 bilyon |
• Bawat kapita | $1,614[1] |
Gini (2013) | 36.0 katamtaman |
TKP (2019) | 0.594 katamtaman · 144th |
Salapi |
|
Sona ng oras | UTC+07:00 (ICT) |
Kodigong pantelepono | +855 |
Internet TLD | .kh |
Ang bansa ay pinapagitnaan ng Thailand sa kanluran at hilagang-kanluran, Laos sa hilagang-silangan, at ng Vietnam sa silangan at timog-silangan. Nakaharap sa Golpo ng Thailand ang katimugang bahagi nito. Dinodomina ng Ilog Mekong (kolokyal Khmer: Tonle Thom o "the great river"; tonle = ilog, thom = malaki) at ang Tonlé Sap ("the fresh water river"; "ang tubig-tabang na ilog") ang geograpiya ng Cambodia. Ang Tonlé Sap ang isa sa pangunahing pinagmumulan ng kalakal ng isda. Ang pagiging mababa sa heograpiya ay nangangahulugan na malaking bahagi ng bansa ay nakaupo malapit sa "below sea level", at ang pangunahing pinanggagalingan ng tubig mula sa ilog ng Mekong ay dumadaloy pabalik sa katabing Ilog ng Sap tuwing tag-ulan.
Turismo at pananahi ang pangunahing industriya dito. Noong 2006, nalagpasan ng mga namumuhunang dayuhan ang 1.7 milyon na marka. Noong 2005, nadiskubre ang deposito ng langis at natural na gas sa mga baybayin malapit sa palugit ng Thailand, at kapag nasimulan ang pagmina nito sa taong 2009 o 2010, ang kikitain sa pagmina nito ay siguradong may malaki at taos na epekto sa kinabukasan na ekonomiya ng bansa.