From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Bhutan (Dzongkha: འབྲུག་ཡུལ་, romanisado: Druk Yul), opisyal na Kaharian ng Bhutan, ay bansang walang pampang sa matatagpuan sa Silangang Himalaya ng Timog Asya. Hinahangganan ito ng Tsina sa hilaga at Indiya sa timog. Sumasaklaw ito ng lawak na 38,394 km2 at tinatahanan ng humigit-kumulang 727,145 mamamayan. Ang kabisera at pinakamalaking lungsod nito ay Timbu.
Kaharian ng Bhutan | |
---|---|
Awitin: འབྲུག་ཙན་དན་ Druk Tsenden "Kaharian ng Dragon ng Kulog" | |
Kabisera at pinakamalaking lungsod | Timbu 27°28.0′N 89°38.5′E |
Wikang opisyal | Dzongkha |
Katawagan | Bhutanes |
Pamahalaan | Parlamentaryong unitaryong monarkiyang semi-konstitusyonal |
Jigme Khesar Namgyel Wangchuck | |
• Punong Ministro | Tshering Tobgay |
Lehislatura | Parlamento |
• Mataas na Kapulungan | Pambansang Konseho |
• Mababang Kapulungan | Pambansang Asembleya |
Formation | |
• Unification of Bhutan | 1616–1634 |
• Period of Desi administration | 1650–1905 |
• Start of the Wangchuck dynasty | 17 December 1907 |
• Indo-Bhutan Treaty | 8 August 1949 |
21 September 1971 | |
• Constitutional monarchy | 18 July 2008 |
Lawak | |
• Kabuuan | 38,394 km2 (14,824 mi kuw) (ika-133) |
• Katubigan (%) | 1.1 |
Populasyon | |
• Pagtataya sa 2021 | 777,486 [1][2] (165th) |
• Senso ng 2022 | 727,145 |
• Densidad | 19.3/km2 (50.0/mi kuw) (162nd) |
KDP (PLP) | Pagtataya sa 2023 |
• Kabuuan | $10.969 bilyon (ika-166) |
• Bawat kapita | $14,296 (95th) |
KDP (nominal) | Pagtataya sa 2023 |
• Kabuuan | $2.686 bilyon (178th) |
• Bawat kapita | $3,500 (ika-124) |
Gini (2022) | 28.5 mababa |
TKP (2021) | 0.666 katamtaman · ika-127 |
Salapi | Ngultrum (BTN) Indian rupee (₹) (INR) |
Sona ng oras | UTC+06 (BTT) |
Kodigong pantelepono | +975 |
Kodigo sa ISO 3166 | BT |
Internet TLD | .bt |
Tinatawag din na Druk Tsendhen (lupain ng dragong kulog), dahil sinasabing katunog ng ungal ng mga dragon ang mga kulog doon. Sa kasaysayan, kilala ang Bhutan sa maraming pangalan, katulad ng Lho Mon (katimogang lupain ng kadiliman), Lho Tsendenjong (katimogang lupain ng cypress), at Lhomen Khazhi (katimogang lupain ng apat na mga paglapit). Hindi malinaw ang pinagmulan ng pangalang Bhutan; inimungkahi ng mga dalubhasa sa kasaysayan na maaaring nagmula sa baryasyon ng mga salitang Sanskrit na Bhota-ant (ang dulo ng Bhot – ang ibang salita para sa Tibet), o Bhu-uttan (mataas na mga lupain). Tinatayang ginagamit ang salitang Bhutan bilang pangalang noong huling bahagi ng ika-9 na siglo BC.
Isa ang Bhutan bilang sa pinakabukod at pinakahuli sa mga sumusulong na mga bansa sa mundo. Labis na nililimitahan ng pamahalaan ang turismo at impluwensiyang banyaga upang mapanatili ang tradisyunal na kultura. Binubuo ang tanawin ng mga subtropikal na mga kapatagan hanggan sa mga kataasan ng Himalaya, na hihigit sa pitong libong metro. Mahayana Budismo ang relihiyon ng estado at kinabibilangan ng kalahati ng populasyon ng bansang ito. Thimphu ang kapital at pinakamalaking bayan.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.