From Wikipedia, the free encyclopedia
Sa kimika, ang bigat ng molar M ay isang pisikal na katangian. Ito ay ang bigat ng isang binigay na sabstans (elementong kemikal o kompuwestong kemikal) na hinahati sa taglay na sabstans.[1] Ang batayang yunit SI para sa bigat ng molar ay kg/mol. Subalit, kadalasang ginagamit ang g/mol bilang ekspresyon ng bigat ng molar.
Bigat molar | |
---|---|
Mga kadalasang simbulo | M |
Yunit SI | kg/mol |
Ibang yunit | g/mol |
Dimensiyon | M N−1 |
Halimbawa, ang bigat ng molar ng tubig ay: M(H2O) ≈ 18 g/mol.
Ang bigat ng molar ng isang atomo ng isang elemento ay naibibigay ng batayang relatibong masang atomiko ng isang elemento[2] na pinaparami (multiplied) ng konstant na bigat ng molar, Mu = 1 × 10−3 kg/mol = 1 g/mol:
Nasisiguro na kapag pinarami (multiplied by) gamit ang konstant na bigat ng molar na ang kalkulasyon ay tama sa aspektong dimensyonal: ang batayang relatibong masang atomiko ay walang dimensyonal na kantidad (i.e., purong numero) habang ang bigat ng molar ay mayroong yunit (sa kasong ito, grams/mole).
Ang ilang elemento ay makikita bilang molekula, e.g. Hydrogen/Hidroheno (H2), Sulfur/Asupre (S8), Chlorine/Kloro (Cl2). Ang bigat ng molar ng mga molekula ng mga elementong ito ay ang bigat ng molar ng kanilang atomo na pinaparami (multiplied by) ng bilang ng atomo sa bawat molekula:
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.