Beyoncé Knowles
From Wikipedia, the free encyclopedia
Si Beyoncé Giselle Knowles-Carter[2] (ipinanganak 4 Setyembre 1981)[3], higit na kilala bilang Beyoncé (bigkas: /biːˈɑn.seɪ/), ay isang Amerikanang mang-aawit manunulat ng awit at aktres. Ipinanganak at pinalaki sa Houston, Texas, nag-aral siya sa iba't ibang mga paaralan ng tanghalang sining, at namulat sa mga paligsahan sa pag-awit at pagsayaw. Sumikat si Knowles noong huling bahagi ng dekada '90 bilang pangunahing mang-aawit ng grupong babaeng R&B na Destiny's Child. Ang pagpapahinga ng grupo ang naging daan upang maglabas si Knowles ng kanyang kauna-unahang sariling album, ang Dangerously in Love noong 2003, na nagpakita na kaya niyang maging isang solong mang-aawit; nakabenta ito ng 11 milyong sipi, at nakakuha ng limang Grammy Awards.
Kailangang isapanahon ang artikulong ito. (Pebrero 2023) |
Beyoncé Knowles | |
---|---|
Kapanganakan | Beyoncé Giselle Knowles (1981-09-04) 4 Setyembre 1981 (edad 42) Houston, Texas, Estados Unidos |
Ibang pangalan |
|
Trabaho |
|
Aktibong taon | 1997–kasalukuyan |
Asawa | Jay Z (k. 2008) |
Anak | 1 |
Magulang |
|
Kamag-anak |
|
Karera sa musika | |
Genre | |
Label | Columbia |
Website | beyonce.com |
Pirma | |
Noong Nobyembre 6, 2005, sinimulan niyang i-publish ang kanyang musika sa YouTube, at noong Mayo 2023, umabot sa 25.9 milyong subscriber ang kanyang channel sa YouTube at nakakuha ng kabuuang 16.17 bilyong panonood ng video.[4]
Pagkatapos mabuwag ang pangkat na Destiny's Child noong 2005, inilabas niya ang kanyang ikalawang solong album, ang B'Day (2006), na naglalaman ng mga sikat na awiting "Irreplaceable" at "Beautiful Liar". Pinasok din ni Knowles ang pag-arte, at nanomina sa kanyang pagganap sa Dreamgirls (2006), at pinangunahan ang pelikulang The Pink Panther (2006) at Obsessed (2009). Ang pagpapakasal niya sa rapper na si Jay-Z at ang pagganap niya bilang Etta James sa pelikulang Cadillac Records (2008) ang nakaimpluwensiya sa kanyang ikatlong album, ang I Am... Sasha Fierce (2008), na naglabas sa kanyang ibang pagkatao o alter-ego na si Sasha Fierce at umani ng 6 na Grammy Awards noong 2010, kabilang ang Awit ng Taon para sa "Single Ladies (Put a Ring on It)". Nagpahinga sa musika si Beyoncé noong 2010 at pinamahalaan ang sariling karera; ang kanyang ika-apat na album na 4 (2011) ay naging mas malumanay, na naghango ng iba't ibang uri ng musika mula sa mga temang 'funk' ng dekada '70, musikang pop ng dekada '80, at ang mga musikang 'soul' ng dekada '90.[5] Ang ikalimang album niyang Beyoncé (2013), ay natatangi kaysa sa mga nauna na niyang album dahil sa mga pageeksperimento at pagsasama ng mga temang may kinalaman sa mga isyu ng mga pemenista, seks, pagiging ina, at iba pa.
Ang tagumpay ng kanyang solo album ay nagpatunay sa kanya bilang isa sa pinakamabiling artista sa industriya. Subalit, sinama rin niya ang kanyang pag-arte at mga kasundurang endorso sa kanyang listahan. Noong 2006, siya ay napabilang kasama si Steve Martin at Kevin Kline sa komedyang The Pink Panther, at sa parehong tao, ay nakuha ang pangunahing pagganap sa adaptasyon sa pelikula ng 1981 Broadway musical na Dreamgirls, na umani nang nominasyon sa Golden Globe. Inilunsad ni Knowles ang linya ng mga damit ng kanyang pamilya, ang House of Deréon noong 2004, at ang ilan pang mga kasunduan endorso sa Pepsi, Tommy Hilfiger, at L'Oréal. Si Knowles ay kasintahan na ni Jay-Z noong pang 2002, subalit sila ay tahimik tungkol sa kanilang relasyon. Pagkatapos nang maraming espekulasyon, sila ay nagpakasal noong 4 Abril 2008, at nagkaanak noong Enero 2012, na pinangalanang si Blue Ivy Carter.