Kapuluang Babuyan
kapuluan sa Pilipinas From Wikipedia, the free encyclopedia
kapuluan sa Pilipinas From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Kapuluang Babuyan ( /bɑːbəˈjɑːn/ bah-bə-YAHN-'), kilala din bilang Pangkat ng Kapuluan ng Babuyan, ay isang arkipelago sa Pilipinas, na matatagpuan sa Kipot ng Luzon, hilaga ng pangunahing pulo ng Luzon at timog ng Taiwan sa pamamagitan ng Bambang ng Bashi tungong Kipot ng Luzon. Binubuo ang kapuluan ng limang pangunahing pulo at pinapalibutan ng mas maliliit na mga pulo. Ang pangunahing mga pulo na ito ay, simula sa hilagang-silangan paikot sa kaliwa, Babuyan, Calayan, Dalupiri, Fuga, at Camiguin de Babuyanes. Nahihiwalay ang Kapuluang Babuyan mula sa Luzon sa pamamagitan ng Bambang ng Babuyan, at mula sa lalawigan ng Batanes sa hilaga, sa pamamagitan ng Bambang ng Balintang.
Heograpiya | |
---|---|
Lokasyon | Kipot ng Luzon |
Mga koordinado | 19°15′N 121°40′E |
Katabing anyong tubig |
|
Kabuuang pulo | 24 |
Pangkalahatang pulo |
|
Sukat | 600 km2 (230 mi kuw)[1] |
Pamamahala | |
Rehiyon | Lambak ng Cagayan |
Lalawigan | Cagayan |
Munisipalidad | |
Demograpiya | |
Populasyon | 19,349 (2020) |
Densidad ng pop. | 32.2 /km2 (83.4 /mi kuw) |
Ang arkipelago, na binubuo ng 24 bulkang-koralinang mga pulo, ay mayroong kabuuang sukat na 590 km2 (230 mi kuw).[1] Calayan ang pinakamalaki dito na may sukat na 196 km2 (76 mi kuw), habang ang pinakamataas na punto ay ang Bundok Pangasun (1,108 metro, 3,635 tal) sa Babuyan Claro.[2]
Ang sumusunod ay ang mga pulo ng Babuyan at karatig na mga maliliit na pulo at bato,[3] kasama ang mga sukat ng lupain at pinakamataas na elebasyon:
Pangunahing pulo | Katabing mga maliliit na pulo | Sukat[2] | Pinakamataas na elebasyon [2] |
---|---|---|---|
Babuyan Claro |
|
100 km2 39 mi kuw |
1,108 m 3,635 tal |
Pulo ng Calayan |
|
196 km2 76 mi kuw |
499 m 1,637 tal |
Camiguin de Babuyanes |
|
166 km2 64 mi kuw |
828 m 2,717 tal |
Pulo ng Dalupiri |
|
50 km2 19 mi kuw |
297 m 974 tal |
Pulo ng Fuga |
|
70 km2 27 mi kuw |
208 m 682 tal |
Pulo ng Didicas | 0.7 km2 0.27 mi kuw |
244 m 801 tal | |
Kapuluang Balintang |
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.