Arrasando
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Arrasando ay ang pangpitong album ng Mehikana, Latina Amerikana, mang-aawit ng pop na si Thalía. Sa maraming panayam noong album lunch, sinaad ni Thalía na ang album na ito ay iba sa mga dati niyang mga album, dahil ito ay nagpapakita ng kanyang pagliko sa mga elementong Dance/Techno, isinalaysay pa niya ito bilang pagsasanib-ritmo sa pagitan ng mga maraming tipo ng musika. Dagdag pa, sinama pa ang kanyang mga cover na: ang kantang "Lucky Girl" ni Gloria Estefan at ang Brazilian hit na "Pata Pata".
Arrasando | ||||
---|---|---|---|---|
Studio album - Thalía | ||||
Inilabas | Abril 25, 2000 (Hilagang America) | |||
Isinaplaka | 2000 | |||
Uri | Latin pop | |||
Haba | 48:32 | |||
Tatak | EMI Latin | |||
Tagagawa | Thalía, Emilio Estefan. Jr, Cory Rooney | |||
Thalía kronolohiya | ||||
|
Ang album ay umani ng mahusay na pagsusuri sa buong mundo, na nagdagdag pa sa kanyang kasikatan bilang internasyonal na popstar. Ito ay inilabas noong Abril 25, 2000 sa Hilagang Amerika. Ito ay naging smash hit album para kay Thalía. Ito ay tumangap ng dalawang nominasyon sa 2001 Latin Grammy Awards na "Latin Grammy Award for Best Pop Vocal Album" at "Best Engineered Album", napanalunan niya ang huli. Sa ngayon ang album ay nakapagbenta na ng higit 2.5 milyong kopya sa buong mundo.