From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Labanan sa Lepanto (Kastila: La Batalla de Lepanto[1]) ay isang tanyag na pintang larawan[2] ng Pilipinong pintor[1] at bayani na si Juan Luna. Si Luna ay isa sa mga naunang Pilipinong kinilala at naparangalan sa pandaidigang larangan ng sining at kultura (ang isa pa ay si Félix Resurrección Hidalgo).[3][4][5][6] Ipininta ni Luna noong 1887, ang itinatampok ng obra maestra ang Labanan sa Lepanto noong Oktubre 7, 1571. Ipinapakita sa larawan si Don Juan ng Austria (kilala rin na Don John ng Austria) sa labanan habang ang nasa proa ng barko.[7] Ito ay isa sa “malaking epikong canvas” na ipininta ni Luna (ang isa pa ay ang Spoliarium at Ang Sandugo).[8][9] Kilala rin ang pinta sa The Battle of Lepanto of 1571.[7]
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.