From Wikipedia, the free encyclopedia
Padron:Ancient Egyptian religion
Amun | |||||
---|---|---|---|---|---|
Pangalan sa heroglipiko | |||||
Pangunahing sentro ng kulto | Thebes, Ehipto | ||||
Symbol | Dalawang bertikal na pluma, dalawang ulong tupangSphinx (Criosphinx) | ||||
Konsorte (Asawa) |
| ||||
Offspring | Khonsu |
Si Amun (EU /ˈɑːmən/;Amon, Ammon, Amen; Sinaunang Ehipsiyo: jmn,muling binuo bilang /jaˈmaːnuw/ (Lumang Ehipsiyo at Maagang Gitnang Ehipsiyo) → /ʔaˈmaːnəʔ/ (Gitnang Ehipsiyo) → /ʔaˈmoːn/ (Wikang Ehipsiyo); Wikang Koptiko: ⲁⲙⲟⲩⲛ; Sinaunang Griyego Ἄμμων Ámmōn, Ἅμμων Hámmōn) ay isang pangunahing Diyos na kasapi ng Hermopolitan Ogdoad. Si Amun ay nakumpirma sa Lumang Kaharian ng Ehipto. Sa panahon ng Ikalabingisang dinastiya ng Ehipto ca ika-21 BCE, si Amun ay umakyat bilang patrong Diyos sa Thebes, Ehipto na pumalit kay Montu.[1] Pagkatapos ng himagsikan sa Thebes laban sa Hyksos ant sa pamumuno ni Ahmose I, si Amun ay naging pambansang Diyos at isinama sa Diyos na si Ra bilang Amun-Ra. Napanatilin ni Amun-Ra ang pagiging Pangunahing Diyos sa panteon ng Sinaunang relihiyong Ehipsiyo maliban sa monoteistikong Atenismo sa ilalim ni Paraon Akhenaten). Si Amun-Ra mula ika-16 hanggang ika-11 siglo BCE, ay nagkamait ng posisyon ng transendental at lumikha sa sariling[2] Manlilikhang Diyos "par excellence". Siya ang kampeon para sa mga dukha o namomroblema at sentral sa kanilang pansariling kabanalan.[3] Kasama ni Osiris, si Amun-Ra ang pinakamalawak na naitala sa mga Diyos ng mga Ehipsiyo.[3] Bilang Pangunahing Diyos sa Imperyong Sinaunang Ehipto, si Amun-Ra ay sinamba rin sa labas ng Ehipto ayon mga historyograpo mula sa Libya at Nubia. Bilang Zeus-Ammon, siya ay naging si Zeus sa Sinaunang Gresya.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.