Ang amonya[1] (pormula: NH3, na isinusulat din bilang NH3), na binabaybay sa Ingles bilang ammonia, ay isang mahalagang kemikal na ginagawa sa buong mundo upang magamit sa agrikultura at industriya. Sa katunayan, ito ay isang gas.[2] Kalimitan, ang amonya ang nagbibigay ng nitroheno sa paggawa ng iba pang mga kemikal. Nalilikha ang amonya sa pamamagitan ng prosesong Haber. Hindi ito dapat ikalito sa Ammonium na mayroong pormula na NH4+). Ang amonya ay yari sa mga atomo ng nitroheno at hidroheno.
Sa pangkalahatan, ang amonya ay ginagagamit sa larangan ng medisina na tinutunaw sa tubig upang, para sa mga layuning praktikal, ito ay isang likidong walang kulay. Ang gas ng amonya ay nalilikha sa pamamagitan ng puspusang paghahalo ng quicklime, salammoniac, at init. Ginagamit ang amonya sa paghahanda ng maraming mga gamot na para sa loob at labas ng katawan, katulad ng panlunas sa kagat o duro ng mga kulisap. Kapag ipinahid sa balat, ang amonya ay isang iritante at madalas na ginagamit sa mga linimento, katulad ng pagiging nilalaman ng sinaunang mga linimento ng camphor at amonya, na pampaginhawa ng mga pilay (sprain), tulad ng pagkatapos na matapilok, o panlunas ng mga pagdaing na may kaugnayan sa dibdib.[2]
Kapag nilanghap ang amonya bilang gas, ito ay gumaganap na matapang at mabilis na estimulante (pampasigla). Kaya't ginagamit ito na nasa anyo ng mga asin na inaamoy (smelling salts) na panlunas ng pagkahilo o biglaang pagkahandusay. Ang malakas na amonya ay isang lason na nakakaagnas, na nilalabanan sa pamamagitan ng pagbibigay ng suka o katas ng lemon na hinalo sa tubig.[2]
Mga sanggunian
Wikiwand in your browser!
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.