![cover image](https://wikiwandv2-19431.kxcdn.com/_next/image?url=https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/c/cf/Academic_disciplines_%2528collage%2529.jpg/640px-Academic_disciplines_%2528collage%2529.jpg&w=640&q=50)
Listahan ng mga larangan
Listahan / From Wikipedia, the free encyclopedia
Ito ang listahan ng mga larangan o akademikong disiplina. Ang larangan ay ang bahagi ng kaalaman na itinuturo at sinasaliksik sa mga kolehiyo at pamantasan. Binibigyang-kahulugan ang mga larangan ng mga akademikong dyornal, kung saan inilalathala madalas ang mga pananaliksik, at sa lipunang may-alam at kagawarang pang-akademiko o faculty sa loob ng mga kolehiyo at pamantasan. Hinahati ang mga larangan sa dalawa: araling pantao (wika, sining, at araling pangkultura) at larangang pang-agham (pisika, kimika, biyolohiya); itinuturing minsan ang agham panlipunan bilang isa pang kategorya nito.
![Thumb image](http://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/c/cf/Academic_disciplines_%28collage%29.jpg/640px-Academic_disciplines_%28collage%29.jpg)
Maraming larangan ang ganap na may saklaw (hal. biolohiya, pisika), samantalang may iilan na suportado at ginagamit lang ng iilang pamantasan, maaaring dahil sa pagiging bago ng naturang larangan o baka dahil sa hirap o malabo ang saklaw nito. Bukod rito, maaaring magkaroon ng mga larang o subdisiplina ang mga larangan, lalo na yung mga malalawak ang saklaw, tulad ng sining at panitikan.