From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Africa Proconsularis ay isang lalawiganng Romano sa hilagang baybayin ng Africa na itinatag noong 146 BC kasunod ng pagkatalo ng Kartago sa Ikatlong Digmaang Puniko. Halos binubuo nito ang teritoryo ng kasalukuyang Tunisia, hilagang-silangan ng Algeria, at baybayin ng kanlurang Libya sa kahabaan ng Golpo ng Sirte. Ang teritoryo ay orihinal na tinitirhan ng mga Berber, na kilala sa Latin bilang katutubong Mauri sa lahat ng Hilagang Africa sa kanluran ng Ehipto; noong ika-9 na siglo BC, ang mga Penisyano ay nagtayo ng mga kolonya sa baybayin ng Dagat Mediteraneo upang mapadali ang operasyon ng mga barko, na kung saan ang Kartago ang nangingibabaw noong ika-8 siglo BC hanggang sa pagsakop nito ng Republikang Romano.
Provincia Africa Proconsularis | |||||
Lalawigan ng Imperyong Romano | |||||
| |||||
Ang lalawigan ng Africa sa loob ng Imperyong Romano | |||||
Kabisera | Zama Regia, tapos Kartago | ||||
Panahon sa kasaysayan | Sinauna | ||||
- | Itinatag matapos ng Ikatlong Digmaang Puniko | 146 BK | |||
- | Pagsakop ng mga Bandalo sa Kartago | 430s AD | |||
- | Muling pananakop ng mga Bisantino sa Digmaang Bandaliko | 534 AD | |||
- | Pagbagsak ng Kartago | 698 AD | |||
Ngayon bahagi ng | Tunisia Libya Algeria |
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.