Ganap na monarkiya
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang ganap na monarkiya ay isang uri na pamahalaan kung saan ang monarko ay may ganap na kapangyarihan sa sambayanan. Nagtataglay ng walang limitasyong kapangyarihang politikal ang isang ganap na monarko sa nakapangyayaring estado at mamamayan nito. Karaniwang ipinamamana ang mga ganap na monarkiya, ngunit may ilan kung saan kailangang patotohanan ang pagpapasa ng kapangyarihan. Naiiba ang ganap na monarkiya sa isang limitadong monarkiya, kung saan ang kapangyarihan ng isang monarko ay itinatakda o linilimita ng saligang-batas o konstitusyon.[1]
Sa teorya, ang ganap na monarko ay may lubos na kapangyarihan sa mga nasasakupan, ngunit sa katunayan ang monarko ay nalilimitahan ng mga grupong politikal mula sa hanay ng mga uring panlipunan at caste ng kaharian, gaya ng aristokrasya, kaparian, burges at proletario.
Ang ilang monarkiya ay may mahina o simbolikong tagapagbatas at iba pang tanggapan ng pamahalaan na maaaring baguhin o buwagin ng monarko sa kaniyang kagustuhan. Ang mga bansa kung saan ang monarko ay mayroon pa ring ganap na kapangyarihan ay ang:
- Bahrain
- Brunei[2]
- Qatar[3]
- Oman[4]
- Saudi Arabia[5]
- Swaziland[6]
- mga emirate na bumubuo sa United Arab Emirates[7]
- Lungsod ng Vaticano[8] (ang Santo Papa nga lamang ay ihinahalal).
Ang ilang mga halimbawa ng makasaysayang ganap na monarkiya ay kinabibilangan ng: