![cover image](https://wikiwandv2-19431.kxcdn.com/_next/image?url=https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/9/9a/Alf.svg/langtl-640px-Alf.svg.png&w=640&q=50)
ALF (serye sa telebisyon)
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang ALF ay isang kalahating-oras na Amerikanong palabas ng katatawanan sa telebisyon na orihinal na sumahimpapawid mula sa estasyong NBC mula 1986 hanggang 1990. Nilikha ito ni Paul Fusco. Ang bidang kathang-isip na tauhan ay si Gordon Shumway, isang palakaibigang dayuhan mula sa kalawakan na binansagan bilang ALF (daglat para sa Ingles na katawagang Alien Life Form o "Banyagang may Anyong Buhay"). Ginampanan ng isang manikang (o puppet sa Ingles) pinapakilos ni Fusco ang katauhan ni ALF, o kaya ng isang kasuotang kamukha ng manika na isinusuot at ginagampanan kung minsan ng bansot na aktor na si Michu Meszaros. Lumapag siya ng biglaan dahil sa suliraning pansasakyan sa isang paradahan ng sasakyan ng mag-anak na Tanner, isang pamilyang nasa gitnang antas ng lipunan na naninirahan sa isang pook na malapit sa kalunsuran. Kabilang sa mag-anak ang amang si Willie Tanner (ginanapan ni Max Wright), ang inang si Kate Tanner (Anne Schedeen), at ang mga anak nilang sina Lynn (Andrea Elson) at Brian Tanner (Benji Gregory).
![]() | Ang artikulong ito ay nangangailangan pa ng mga link sa ibang mga artikulo upang makatulong isama ito sa ensiklopedya. (Mayo 2021) |
Ang article ay isang Ulila, dahil walang ibang mga artikulo ang naka-link dito. Mangyaring mula sa ipinakilala ang mga link sa pahinang ito mula sa mga kaugnay na artikulo; subukan mo ang Find link tool para sa mga mungkahi. (Mayo 2021) |
Ang lathalaing ito na tungkol sa Telebisyon at Estados Unidos ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.