Talaan ng mga kalakhang pook sa Asya
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang kontinenteng Asya ay isa sa pinakamabilis na lumalagong mga kontinente sa Mundo, na may lumalaking urbanisasyon at mataas na antas ng pagdami ng populasyon sa mga lungsod. Ang Tokyo sa Hapon ay ang pinakamalaking kalakhang pook ayon sa populasyon.
Ang populasyon ng mga binigay na lungsod ay hinango mula sa limang magkaibang mga pinagmulan:
- City Population
- Demographia (mga pook urbano)
- United Nations World’s Cities sa Muntaklat nito noong 2016, kung saan ang pinagmulan ng datos ay: “United Nations, Department of Economic and Social Affairs, Population Division (2014), World Urbanization Prospects: The 2014 Revision.”
- World Atlas
- National Official Estimate (NOE)
Sa limang mga pinagmulan, nakamakapal ang pinakamataas na bilang ng pagtataya. Nakaranggo ang mga lungsod ayon sa pinakamataas na pagtataya ng kanilang populasyon. Ilang komento:
- Ang kinikilalang estadistika para sa mga lungsod ng Tsina ay para sa mga munisipalidad na kadalasang umaabot sa labas ng mga pook urbano at bumubuo ng malakaing populasyong rural. Kapag ang gayong mga estadistika ay lumalabis sa tinatayang mga bilang, tulad ng kaso ng Chongqing, Wuhan at Shenyang, hindi isinasaalang-alang ang mga ito.
- Ang bilang para sa Shanghai mula sa City Population ay kasama ang lungsod ng Suzhou (mga 100 km o 62 milya hilagang-kanluran ng Shanghai), na hindi kasama sa ibang mga pagtataya o sa kinikilalang mga pagtataya at dahil diyan ay hindi isinaalang-alang.
- Ang bilang para sa Guangzhou mula sa City Population ay para sa populasyong urbano ng lalawigan ng Guangdong na kinabibilangan din ng mga lungsod ng Shenzhen, Dongguan, Zhongshan, Jiangmen at Huizhou. Hindi pa nagiging isang kalakhang pook ang lugar na ito kaya hindi rin isinasaalang-alang ang bilang na ito. Hiwalay na nakatala ang Shenzhen at Dongguan sa talahanayang ito.
- Nagbibigay ang Demographia at World Atlas ng mga bilang para sa magkakaratig na mga lungsod ng Quanzhou, Jinjiang at Shishi. Sinasama ng City Population ang tatlong mga lungsod na ito sa mga bilang para sa Xiamen (populasyon ay 4-4.8 milyon), kaya nagbibigay ito ng kabuoang populasyon na 10,000,000. Ngunit hindi talagang magkaratig ang Xiamen sa tatlong mga lungsod na ito kaya hindi isinaalang-alang ang estadistikang ito.
Nakakulay na kodigo ang talahayanan upang maipakita ang rehiyon kung saang matatagpuan ang bawat Asyanong lungsod. Ang paliwanag ng kodigong-kulay ay ang sumusunod:
Ang Silangang Asya na may dalawampung mga lungsod ay nag-aambag sa kalahating bilang ng mga lungsod sa talaan, kalakip ng Tsina na may pinakamalaking bahagi na may labinlimang mga lungsod. Sinusundan ito ng Timog Asya na may sampung mga lungsod, pito sa mga ito ay nasa Indiya. Ang Timog-silangang Asya ay nag-aambag ng pitong mga lungsod, habang tatlo lamang sa Kanlurang Asya.