Tagagamit:Caehlla2357/Mga nais gawin na artikulo/Anya Taylor-Joy
From Wikipedia, the free encyclopedia
Si Anya-Josephine Marie Taylor-Joy ( /ˈænjə/ ANN-yə;[2] ipinanganak 16 April 1996) ay isang artista at modelo.[lower-alpha 1][3][4] Nakatanggap siya ng maraming mga parangal, kasama ang isang Golden Globe Award, isang SAG Award, at isang Critics' Choice Television Award, at mga nominasyon sa BAFTA Film Awards at sa Primetime Emmy Awards. Noong 2021, inilagay siya ng magasinang Time sa listahang Time 100 Next.[5]
Anya Taylor-Joy | |
---|---|
Kapanganakan | Anya Josephine Marie Taylor-Joy (1996-04-16) 16 Abril 1996 (edad 28) Miami, Florida, U.S. |
Mamamayan |
|
Trabaho |
|
Aktibong taon | 2013–kasalukuyan |
Parangal | Buong talaan |
Ipinanganak sa Miami at lumaki sa Buenos Aires at sa Londres, umalis ng paaralan si Taylor-Joy sa labing-anim na taong gulang at nagsimulang magpursige para sa isang karera sa pag-arte. Pagkatapos ng mga maliliit na papel sa telebisyon, nagawa niya ang debut niya sa pelikula sa pangunahing papel na si Thomasin sa pelikulang katatakutan na The Witch (2015), na nagpa-panalo sa kanya ng isang Gotham Award at ng isang Empire Award. Nagpatuloy siya sa pagbibida sa pelikulang katatakutan na Split at ang black comedy na Thoroughbreds (parehas 2017); sa mismong taon, nakakuha siya ng isang nominasyon sa BAFTA Rising Star Award at napanalunan ang Trophée Chopard mula sa Cannes Film Festival. Nagbida rin siya sa miniseryeng drama na The Miniaturist (2017), ang ikalimang serye ng Peaky Blinders at The Dark Crystal: Age of Resistance (parehas 2019), at ang pelikulang superhero na Glass (2019), kung saan inulit niya ang kanyang papel mula sa Split. Si Taylor-Joy ang magboboses kay Princess Peach sa paparating na pelikulang Mario (2022) at gaganap bilang ang tauhan ng titulo sa Furiosa (2024).
Nakatanggap si Taylor-Joy ng papuri sa pagganap bilang ang mga pangunahing tauhan na sina Emma Woodhouse sa adaptasyon mula kay Jane Austen na Emma at Beth Harmon sa miniserye ng Netflix na The Queen's Gambit (parehas 2020); para sa huli, napanalunan niya ang Critics' Choice Television Award for Best Actress in a Movie/Miniseries, ang Golden Globe for Best Actress – Miniseries or Television Film, ang Screen Actors Guild Award for Outstanding Performance by a Female Actor in a Miniseries or Television Movie at nakatanggap ng nominasyon para sa Primetime Emmy Award for Outstanding Lead Actress in a Limited or Anthology Series or Movie.