Santa Maria dell'Anima
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Santa Maria dell'Anima (Mahal na Ina ng Kaluluwa) ay isang simbahang Katoliko Romano sa gitnang Roma, Italya, sa kanluran lamang ng Piazza Navona at malapit sa simbahan ng Santa Maria della Pace. Ito ay itinatag sa noong ika-14 na siglo ng mga mangangalakal na Olandes, na sa panahong iyon ay kabilang sa Banal na Imperyong Romano. Noong ika-15 siglo, ito ay naging pambansang simbahan ng buong Banal na Imperyong Romano sa Roma at mula ngayon ay tinaguriang pambansang simbahan ng Alemanya at ospisyo ng mga taong nagsasalita ng Aleman sa Roma.
Santa Maria dell'Anima Ingles: Our Lady of the Soul | |
---|---|
Relihiyon | |
Pagkakaugnay | Katoliko Romano |
Katayuang eklesyastikal o pang-organisasyon | Pambansang Simbahan sa Roma ng Alemanya |
Pamumuno | Don Franz Xaver Brandmayr |
Taong pinabanal | 1542 |
Lokasyon | |
Lokasyon | Roma |
Mga koordinadong heograpikal | 41°53′59.1″N 12°28′19.3″E |
Arkitektura | |
(Mga) arkitekto | Andrea Sansovino, Giuliano da Sangallo |
Uri | Simbahan |
Istilo | hall church |
Groundbreaking | 1386 |
Nakumpleto | 1522 |
Mga detalye | |
Direksyon ng harapan | E |
Haba | 40 metro (130 tal) |
Lapad | 30 metro (98 tal) |
Websayt | |
www.santa-maria-anima.it |
Ayon sa tradisyon, natanggap ng simbahan ang pangalan nito, mula sa imahen ng Mahal na Ina na bumubuo sa eskudo (ang Mahal na Birhen sa pagitan ng dalawang kaluluwa).[1] Kabilang sa mga likhang sining na nakalagay sa loob ay ang Banal na Pamilya ni Giulio Romano. Ito ang pahingahan ng Olandes na si Papa Adriano VI pati na rin nina Kardinals William ng Enckenvoirt at Kardinal Andrew ng Austria.