Nouvelle cuisine
paraan ng pagluluto at presentasyon ng pagkain / From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang nouvelle cuisine (Pranses: [nuvɛl kɥizin]; lit. na 'bagong lutuin') ay paraan ng pagluluto at presentasyon ng pagkain sa lutuing Pranses. Salungat sa cuisine classique, isang mas lumang anyo ng haute cuisine, kakikitaan ang nouvelle cuisine ng mas magaan, mas maselang putahe at malaking diin sa presentasyon. Pinasikat ito noong dekada 1960 ni Henri Gault, isang kritiko ng pagkain na nag-imbento ng pariralang iyon, at nina André Gayot at Christian Millau, mga paniyero ni Gault, sa isang bagong gabay sa restawran, ang Gault-Millau, o Le Nouveau Guide.