Mga panatilihang kasapi ng United Nations Security Council
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang mga panatilihang kasapi ng United Nations Security Council, o ang Permanenteng Lima, Ang Malaking Lima, o P5 ay sumasaklaw sa limang pamahalaan: Ang Tsina, Pransiya, Rusya, ang Nagkakaisang Kaharian at ang Estados Unidos. Ang mga miyembro ang kumakatawan sa limang mga kapangyarihan na nanalo sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ang mga miyembro nito ay mayroong kapangyarihang bumoto, na kung saan maari nilang pigilan ang pagsasabatas ng mga resolusyon ng kapulungan, hindi alintana ang pandaigdigang suporta sa isasagawang burador.